INAPRUBAHAN na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang ideklara ang lalawigan ng Pampanga bilang Christmas Capital ng Pilipinas.
Lahat ng mambabatas ay bumoto na pabor sa panukalang batas na House Bill No. 6933 na inisponsoran ni House Speaker Martin Romualdez at Pampanga 3rd District Rep. Aurelio Gonzales, Jr.
Sa ilalim ng panukalang batas, itatampok na ng Department of Tourism (DOT) ang Pampanga sa kanilang tourism promotions sa buong bansa.
Matatandaan na ang Pilipinas ang may pinakamahabang selebrasyon ng Pasko sa buong mundo na nagsisimula sa buwan ng September o ‘Ber Months’.