Pangako sa nagbalik-loob sa gobyerno, ‘di na dapat patagalin ng pamahalaan—Sen. Robin

Pangako sa nagbalik-loob sa gobyerno, ‘di na dapat patagalin ng pamahalaan—Sen. Robin

IGINIIT ni Senador Robin Padilla na ‘di na dapat patagalin ng pamahalaan ang pinangako nitong tulong para sa mga dating mandirigma ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF) na nakinabang sa programang amnestiya.

Sa kaniyang consultative meeting sa mga opisyal ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa Senado, napag-alaman sa pagpupulong na marami pang hindi natupad sa pangako ng pamahalaan sa mga taga-MNLF at MILF na nagbalik-loob.

Mula 2014 ay 26,145 decommissioned combatants pa lang ang nakatanggap ng tulong at may 14,000 pang pinoproseso ang kanilang pag-decommission.

Sa 26,145 na nakakatanggap ng tulong, hindi lahat ang nabigyan ng socio-economic package na ipinangako sa kanila.

Tugon ni Padilla, tatalakayin niya ito sa mga taga-Mindanao na senador, kasama si Sen. Juan Miguel Zubiri at Ronald Dela Rosa para maimbestigahan kung ano ang nangyari sa amnesty.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter