INILAGAY sa “wanted list” ng Russia ang president ng International Criminal Court (ICC) na si Piotr Hofmanski.
Hindi na nagbigay ng karagdagang detalye ang Russian Interior Ministry hinggil dito.
Subalit matatandaang noong buwan ng Marso ay inanunsiyo ng ICC ang pagpapaaresto kay Russian President Vladimir Putin dahil sa umano’y deportasyon nito ng mga kabataang Ukrainian na hindi angkop sa batas.
Kasama ni Putin na ipinapaaresto ay ang Russian Presidential Commissioner for Children’s Rights na si Maria Lvova-Belova.
Samantala, nauna nang nag-isyu ang Russia ng arrest warrant para kina ICC Prosecutor Karim Khan at iba pang mga judge.