KINUMPIRMA ng Department of Foreign Affairs (DFA) na 2 Pinoy ang kabilang sa nasawi sa nangyaring lindol sa Turkiye.
Ang nasabing ulat kasunod ng pagkumpirma ng Philippine Embassy ng Ankara.
Matatandaan una nang naiulat na 2 Pinoy sa Antakya ang nawawala sa lindol at ngayon ay natagpuang patay.
Nagpaabot naman ng pakikiramay sa mga naiwang pamilya ng 2 Pinoy ang Embahada ng Pilipinas sa Ankara at Philippine Consulate General ng Turkiye habang patuloy pa rin ang pakikipag-ugnayan nito sa mga Filipino community kaugnay sa kaligtasan ng mga Pilipino doon.
