Panibagong batch na 2-M doses ng Sinovac vaccine, dumating sa bansa

Panibagong batch na 2-M doses ng Sinovac vaccine, dumating sa bansa

DUMATING na sa bansa ang panibagong batch na 2-M doses ng Sinovac vaccine ngayong-araw.

Umabot na sa 33 milyong doses ng Sinovac vaccine ang tinanggap ng Pilipinas.

Tiniyak naman ni NTF against COVID-19 Chief Implementer and vaccine Czar Secretary Carlito G. Galvez, Jr. na bago matapos ang buwan ng Oktubre o Nobyembre ay makakatanggap na ng booster shot ang mga health care workers.

Nasa kabuuang 56,794,130 COVID-19 vaccine doses ang tinanggap na ng Pilipinas simula pa February 2021.

Ito’y kasunod ng pagdating ng panibagong batch ng 2-M doses ng Sinovac vaccine ngayong-araw na lulan ng Philippine Airlines flight PR 361 na lumapag sa Bay 49 ng Ninoy Aquino International Airport Terminal -2 pasado 7:00 kaninang umaga .

Ang naturang bakuna ay sinalubong nina NTF against COVID-19 Chief Implementer and vaccine Czar Secretary Carlito G. Galvez, Jr. Department of Health Director Ariel Valencia, NTF special adviser Dr. Teddy Herbosa, at iba pang mga opisyal ng DOH .

Ibabahagi din ang naturang bakuna sa mga rehiyon na kinokonsidera na may mataas na kaso ng COVID-19.

“Priority na natin ang different region…priority po natin yun,’’ayon kay Galvez.

Sa bilang ng mga dumating na bakuna ngayong araw, umabot na sa kabuuang 33 million doses ng Sinovac vaccine ang natanggap na ng bansa kung saan 31 milyong doses dito ay binili ng Pilipinas.

Matatandaan nitong nakaraang Biyernes tumanggap ang bansa ng 1.5 million doses din ng bakunang Sinovac.

Ayon pa kay Galvez ang mga bakunang Sinovac na dumating ay bahagi sa dagdag na binili ng Pilipinas .

Inaasahan na 12-M doses ng bakunang Sinovac ang darating para sa buwan ng Setyembre at 10-M naman para sa buwan ng Oktubre .

Samantala tiniyak naman ni Galvez na ang  booster shots para sa health care workers ay posible sa katapusan ng Oktubre o Nobyembre .

Sa ngayon dagdag pa ni Galvez ang mga binibili na booster ay wala pang Emergency Use Authorization (EUA).

Gayunpaman ani Galvez kapag pinayagan na ng DOH ang mga health care workers para sa booster shot ay marami at sapat ang bakuna para sa mga ito.

‘’Sa ngayon pinag-aaralan pa rin pinag didiscusiin pa rin, we can start by the end of October or November,’’ayon kay Galvez.

SMNI NEWS