Panibagong batch ng mga Filipino repatriates mula Lebanon, balik-bansa na

Panibagong batch ng mga Filipino repatriates mula Lebanon, balik-bansa na

NAKAUWI na sa Pilipinas ang ika-20 batch na repatriated OFWs mula Lebanon araw ng Huwebes.

Sa kabila ng nararanasang trauma dulot ng tensiyon sa Lebanon, hindi pa rin matatawaran ang saya ng  mga overseas Filipino worker (OFW) dahil ilan sa kanila ay mahigit 10 taon nang hindi nakauwi ng Pilipinas.

Pasado 9:00, Huwebes ng umaga nang lumapag ang eroplano ng Philippine Airlines Flight PR 685.

Sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal-1 kung saan sakay ang siyam na  OFWs kabilang ang limang bata na naipit sa kaguluhan mula sa Lebanon dulot pa rin sa tensiyon ng Israel.

Ang mga Pilipinong repatriated ang ika-20 na batch na nakauwi na sa Pilipinas mula Lebanon.

Kabilang si Evelyn na halos 20 taon nang hindi na nakauwi ng Pilipinas at sa pagkakataong ito makakapiling na niya ang kaniyang pamilya ngayong nagpapatuloy ang holiday season.

Habang si Jhanary naman makalipas ang 18 taon ay makakapiling na rin ang kaniyang pamilya na nasa Isabela.

Sa kabuuan, mayroon nang 111 OFWs ang nakauwi na ng bansa galing sa Lebanon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble