TUTULUNGAN ngayon ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang mga returning Overseas Filipino Worker (OFW) mula sa bansang Ukraine na makahanap ng panibagong trabaho sa ibang bansa.
Ipinaalam ng POEA na handa nilang tulungan ang mga returning OFW mula sa bansang Ukraine na apektado ng giyera.
Isa sa mga hakbang ng pamahalaan upang matulungan ang tinatawag na ‘modern heroes’ ay bibigyan sila ng panibagong trabaho sa ibang bansa.
Inilatag ni POEA Administrator Atty. Bernard Olalia sa Laging Handa briefing ang iba’t ibang proseso ukol ito.
At para naman sa tinatawag na direct hire o iyong mga OFW na mayroong kamag-anak sa ibang bansa o may kilalang employer abroad ay maari na silang mabigyan ng trabaho.
Tiniyak ng POEA na bukas ang kanilang ahensya sa sinumang OFW mula Ukraine na nagnanais mag-trabaho sa ibang bansa at tutulong din sila sa pagpoproseso ng kanilang mga dokumento.
Samantala, ang pag-alis ng deployment ban sa Ukraine ay hindi pa napapanahon hangga’t hindi pa humuhupa ang gulo sa pagitan ng Ukraine at Russia.