Panukalang batas sa pamamahala ng SBMA, nais palakasin ng isang mambabatas

Panukalang batas sa pamamahala ng SBMA, nais palakasin ng isang mambabatas

NAIS ni Bataan 1st District Rep. Geraldine Roman na palakasin ang administrasyon at operational governance ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) sa pamamagitan ng pag-amyenda sa mga probisyon ng Republic Act (RA) No.7227.

Ayon kay Rep. Roman na chairperson ng House Committee on Women and Gender Equality, panahon na para isama ang mga probisyon para gawing propesyonal ang SBMA Board of Directors.

Gayundin upang matiyak at palakasin ang pampublikong kaligtasan at seguridad ng free-port zone.

Samantala inihain din ni Roman ang House Bill (HB) No. 530 na nagpapasigla sa bases conversion development.

Follow SMNI NEWS in Twitter