Parañaque mayor, humingi ng dispensa sa pamilya ng tindero na sinaktan ng mga task force personnel

HUMINGI ng dispensa si Parañaque City Mayor Edwin Olivarez sa pamilya ng tindero na bayolenteng inaresto ng mga miyembro ng City Task Force sa kalagitnaan ng clearing operations nito.

Ayon kay Parañaque Mayor Olivarez, humihingi siya ng paumanhin sa pamilya ng tinderong kinilalang si Warren at iginiit na hindi iyon ang protocol ng syudad.

Sa isang viral video, makikita ang mga miyembro ng Parañaque City Task Force na bayolenteng inaaresto ng mga ito si Warren matapos itong tumangging isuko ang kanyang kariton sa otoridad.

Sinabi naman ni Olivarez na hindi na kinuha ang kariton ng biktima at ang hindi lamang maganda sa nangyari ay nasaktan ito.

Nilinaw naman ni Olivarez na naaresto na ang limang tauhan na sangkot sa bayolenteng pagkaka-aresto ni Warren at suspendido na rin ang mga ito.

Samantala,  kasalukuyang iniimbestigahan na ang nasabing insidente at may posibilidad na matanggal sa serbisyo ang mga sangkot kung mapapatunayan ang naiulat na karahasan.

Ayon kay olivarez, ipinatutupad ng kaniyang syudad ang maximum tolerance kung kaya’t hindi katanggap- tanggap ang ipinakitang ugali sa ulat.

Nilinaw naman ni Olivarez na nauna na silang nagpalabas ng notice para sa mga vendor ukol sa pag-papaalis, kinausap pa aniya ito ng maayos at hindi maaaring kumpiskahin ang mga paninda.

SMNI NEWS