January 15 deadline para sa road clearing ng LGUs, posibleng palawigin

POSIBLENG palawigin pa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang January 15 deadline ng local government units (LGUs) para sa road clearing ng kani-kanilang sinasakupan.

Ayon kay DILG Usec. Jonathan Malaya, naitanong na niya kay Sec. Eduardo Año ang patungkol sa extension ng road clearing operations gayong marami sa LGUs ang pagod sa pagharap sa crisis dulot ng pandemya.

Aniya, naiintindihan niya na malaki ang balakid na kinahaharap ng ilang LGUs at marami ang lansangan na kailangan pang linisin.

Ipinaliwanag naman ni Malaya na magkakaroon ng iba-ibang sistema hinggil sa inspeksyon ng DILG sa mga LGUs depende sa community quarantine status nito.

Anito, pinamahigpit ang validation sa mga lugar na nakasailalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) habang may partial implementation sa mga GCQ areas.

Magugunitang January 15 ang itinakdang deadline sa road clearing operation na ipinatupad noong nakaraang taon.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.