ITINUTURING bilang “Most Powerful Passport” sa mundo ang pasaporte ng Singapore.
Ang Singaporean passport ay mayroong 192 visa-free entry sa mga global destination ayon sa datos ng London-Based Immigration Consultancy Henley & Partners.
Pinalitan nito ang limang taong pangunguna ng Japan na ngayon ay nasa ikatlong puwesto na kasama ng mga bansang Austria, Finland, France, Luxembourg, South Korea at Sweden.
Bumaba ang puwesto ng Japan matapos bumaba ang bilang ng mga destinasyong mapupuntahan ng kanilang passport nang walang visa.
Bumaba naman sa dalawang puwesto ang Estados Unidos na ngayon ay nasa ikawalong puwesto na kasama ng Lithuania.
Habang tumalon naman sa ikaapat na puwesto ang United Kingdom.