Pastor ACQ, pinuri ang pagkakahuli sa mga pulis na sangkot sa iligal na droga

Pastor ACQ, pinuri ang pagkakahuli sa mga pulis na sangkot sa iligal na droga

PINURI ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ sa programa nitong Powerline, ang ginawang aksiyon ng Philippine National Police (PNP) laban sa mga sangkot na opisyal nito sa tangkang pag-cover-up sa mga nasabat na iligal na droga na nagkakahalaga ng higit P6-B.

 “Ito na nga sinasabi ko eh. Noon pa di’ ba? sinasabi ko na iyan. Ipagpatuloy ‘yung drug war ni Pangulong Duterte. Si Pangulong Duterte, taya nang taya ng kaniyang buhay eh. Pero eto naman ang maganda ritong nangyayari, sapagkat nahuhuli,” pahayag ni Pastor Apollo C. Quiboloy, The Kingdom of Jesus Christ.

Saad ng butihing Pastor, nangangamba man siya na maraming nasangkot sa nasabing tangkang cover-up ay nagpapasalamat pa rin siya na nahuhuli agad lalo na iyong mga sangkot na malalaking ‘isda’.

“Nababahala tayo, maraming nasasangkot pero magaling pa rin ang ating pamahalaan ngayon, nahuhuli ‘yung malalaking isda tulad nito. Pagkakasibak sa puwesto nitong PBGen. Narciso Domingo. Aba naku, at 10 kasama pa niya. Maganda ito kasi nahuhuli. Iyong mahirap diyan kung makipagkuntsabahan na lahat pagkatapos silent na lahat, pagkatapos ikakalat ang droga sa buong bansa. Masisira ang milyong kabataan na naman,” dagdag ng butihing Pastor.

Matatandaan na sinibak na sa puwesto ng PNP chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. ang director ng PNP-DEG na si Police BGen. Narciso Domingo.

Kabilang si Domingo sa 10 opisyal na pinangalanan ni DILG Sec. Benhur Abalos na nakuhanan sa CCTV at inakusahang sangkot sa tangkang pag-cover up sa pagkakasabat sa P6.7-B na halaga ng shabu sa Tondo, Manila noong Oktubre 2022.

Follow SMNI NEWS in Twitter