SA programang Spotlight ay ibinahagi ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang isang magandang mungkahi sa pamahalaan kaugnay sa unemployment.
Ito ay upang matulungan ang nasa mahigit 2 milyong Pilipino na wala pa ring trabaho na bagaman mas mababa kaysa sa nakaraang buwan ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority.
“Alam mo ang makapagbigay ng malaking employment sa mga Filipinos tulad niyan 2.4 milyon wala pang trabaho, ayusin lang ang tourism. Tourism ayusin mag-invest sa tourism natin all of these unemployed Filipinos pwede mong ilagay doon,” pahayag ni Pastor Apollo.
Inihalimbawa ni Pastor Apollo ang Thailand na malago ang ekonomiya dahil sa tourism industry.
“Tingnan mo ‘yung Thailand sino man ang taga-alalay doon sa mga hotel, sa mga bus services mga ordinaryong tao lang pwede na doon, i-train mo lang maging waiter, maging guide, maging bus driver, lahat,” ayon sa butihing Pastor.
Nakikita ng butihing Pastor ang potensyal sa sektor ng turismo dahil sa yaman ng Pilipinas sa natural resources nito.
“Iyang tourism sector natin because we have the richest natural resources in the world and we have more than enough to rich areas, that we can produce more money for the economy and more employment. Tourism lang…ako nakita ko talaga tourism,” ani Pastor Apollo.
Maging sa ibang bansa ay naibahagi rin ni Pastor Apollo ang kaunlaran na hatid ng turismo.
Sa huli ay sinabi ng butihing Pastor na ang turismo ang numero unong magpapaunlad sa bansa dahil sa ito ay kikita ng malaki at magbibigay ng maraming trabaho para sa lahat.