Pastor Quiboloy, banta sa interes ng Amerika – Jay Sonza

Pastor Quiboloy, banta sa interes ng Amerika – Jay Sonza

MALAKING banta sa interes ng Amerika si Pastor Apollo Quiboloy, ang kanyang kongregasyon na The Kingdom of Jesus Christ at ang kanyang media network na SMNI.

Ito ang hayagang sinabi ng dating TV personality na si Jay Sonza sa panayam ng SMNI News.

Ito ay kasunod ng paglabas ng U.S Federal Bureau of Investigation (FBI) ng wanted poster laban sa butihing Pastor at ngayon ay pinagpipiyestahan ng mga media.

Naniniwala si Sonza na hindi kayang mapaikot ng Amerika si Pastor Quiboloy at ang SMNI kaya nangyayari ito.

Idinagdag din ni Sonza na ito rin ang ginagawa ng Estados Unidos kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil hindi nito mahahawakan ang pangulo ng Pilipinas.

 

Follow SMNI News on Twitter