MARCH 17, 2025 – Ipinahayag ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa kanyang mensahe sa ginanap na ‘Bring Back Home’ prayer rally ang pagkadismaya sa nangyaring pagtangay kay dating Pangulong Rodrigo Duterte patungo sa The Hague. Sa pamamagitan ng kanyang tagapagsalita, ipinahayag niya na lahat ng ginawa ni Pangulong Duterte ay para sa kapakanan ng sambayanang Pilipino—upang tiyakin ang kaligtasan, katahimikan, at kaayusan ng bansa. Binigyang-pugay rin niya ang hindi matatawarang dedikasyon ni Duterte sa paglilingkod sa bayan nang may integridad at katapatan, mula sa pagiging prosecutor hanggang sa pagiging pangulo ng bansa.
“Para sa ating mga nagmamahal sa kanya, ang lahat po ng ginawa ng ating mahal na pangulong Duterte ay para sa kapakanan ng bansang Pilipinas, upang tayo ay mamuhay na matiwasay, masagana, mapayapa at punong-puno ng katahimikan ang ating buhay na walang ikinatatakot na masama, sapagkat siya ang umako ng responsibilidad ng ating bansa na tayo ay kanyang bigyang proteksyon sa lahat ng mga masasamang elemento, masasamang tao, masasamang bisyo tulad ng droga, at masasamang epekto ng bisyong ito na nagdudulot ng krimen,” ani Pastor Quiboloy sa kanyang mensahe.
Dagdag pa nito, “Ngayon, [ang] mga puso natin ay nagdadalamhati sapagkat tinraydor po siya ng ating bayan ng mga namumuno at ng mga dapat pagkatiwalaan ng mamamayan.”
Ayon pa kay Pastor Quiboloy, hindi makatarungan ang kinakaharap ngayon ng dating pangulo dahil ang ICC ay walang mandato mula sa mamamayang Pilipino at walang karapatan na litisin si Duterte, lalo na’t ang kanyang mga nagawa ay para sa proteksyon ng bansa laban sa mga salot ng droga, kriminalidad, at terorismo.
“Kaya’t ito ang ating mga dalangin ngayon para sa ating Tatay Digong na siya ay maibalik kaagad-agad dito sapagkat puro mali po ang procedure ng gobyerno natin na pinagtaksilan siya at ang ICC na hindi naman talaga ayon sa kanilang mga pamamaraan. Hindi idinaan sa tamang proseso ang ating Tatay Digong,” dagdag pa ni Pastor Quiboloy.
Matatandaan na nagpahayag si Vice President Sara Duterte na ilegal ang ginawa ng mga awtoridad sa dating pangulo, “Some sort of kidnapping, parang ganiyan na nangyayari. All because mukhang matatalo sila sa midterm elections dahil ang lakas ng vote straight sa candidates ng PDP. I warned you about the budget. I’m warning all of you about election cheating.”
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa plataporma at mga panukala ni Pastor Apollo C. Quiboloy, bisitahin ang apolloquiboloynationbuilder.com