PROUD parents sa kanilang anak na si Talitha Marie o ‘Tali’ ang TV hosts na sina Pauleen Luna at Vic Sotto matapos itong nakakuha ng gold medal sa isang gymnastics competition.
Sa official social media post ni Pauleen, ibinahagi nito ang naging performance ng kaniyang anak sa gymnastics culminating activity na inorganisa ng PGAA-S. TY Gymnastics & Sports Center sa Alabang Town Center sa Muntinlupa City.
Bagamat first time na nakasali si Tali sa isang competition, proud na proud si Pauleen sa nakuhang 3 golds at 1 bronze ng kaniyang anak.
Inulan naman ng masayang komento mula sa mga co-artist nito na nagpahayag ng pagbati sa achievement ni Tali.