PBBM, eksperto ang hahanaping kalihim na papalit sa kanya sa DA

PBBM, eksperto ang hahanaping kalihim na papalit sa kanya sa DA

NAIS ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magtalaga ng bagong kalihim sa Department of Agriculture (DA).

Aniya, dapat eksperto sa usaping agrikultura at hindi retired military o police official.

Subalit kung ang mga ito ay may malawak na kaalaman sa agrikultura ay wala namang problema.

Noong October 2022 ay sinabi na ni Pangulong Marcos na bababa siya bilang kalihim sa DA kung nagawa na nito ang mga nais niyang reporma sa ahensya.

 

 

Follow SMNI NEWS in Twitter