PBBM, hinikayat ang publiko na bumisita sa Malacañang Palace

PBBM, hinikayat ang publiko na bumisita sa Malacañang Palace

HINIHIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang publiko na bumisita sa Malacañang Palace dahil bukas ito ngayong Kapaskuhan.

Sa isang video na makikita sa official Facebook page ni Pangulong Marcos, sinabi nito na hangga’t may Simbang Gabi ay bukas ang Palasyo para sa lahat.

Kaugnay nito ay naglagay nga ang Malacañang ng carnival rides sa Kalayaan Ground kung saan isinasagawa ang Simbang Gabi para sa publiko.

Bukas ito hanggang bukas, Disyembre 23 mula alas sais hanggang alas onse ng gabi.

Mayroon ding food stalls sa Kalayaan Ground na maaaring ma-enjoy ng mga bibisita.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble