PBBM may inilatag laban sa smuggling sa bansa –BOC

PBBM may inilatag laban sa smuggling sa bansa –BOC

MAY mga paraan nang inilatag si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para maresolba ang laganap na smuggling sa bansa.

Ayon kay Bureau of Customs (BOC) spokesperson Arnaldo dela Torre Jr., sa panayam ng SMNI News, isa itong 7-Point Reform Agenda Program.

Kaugnay nito, inamin na rin ni Dela Torre na target nilang maging ganap na maisailalim sa modernisasyon ang BOC para mas maging epektibo kontra smuggling at korupsyon.

Iyun nga lang at may kinakaharap pa rin na legal battle para ganap maipatupad ito.

Sa kabila nito, sinabi ni Dela Torre na makakamit pa rin naman ng BOC ang full implementation ng modernisasyon gaya na lang ng pagpapatupad ng Philippine National Single Window 2.

Ang National Single Window ay isang computerized internet-based system na nagbibigay pahintulot sa lahat ng parties na may kaugnay sa kalakalan na ilagay ang impormasyon o dokumento sa pamamagitan ng single entry point. inilatag 

Ito’y para maisakatuparan ang import, export at transit-related regulatory requirements.

Follow SMNI NEWS in Twitter