PBBM, nagpaabot ng pagbati kay Hidilyn Diaz matapos ang pagkakapanalo sa 2022 World Weightlifting Championships

PBBM, nagpaabot ng pagbati kay Hidilyn Diaz matapos ang pagkakapanalo sa 2022 World Weightlifting Championships

NAGPAABOT ng pagbati si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay Olympic Gold Medalist Hidilyn Diaz.

Ito ay matapos humakot ng 3 gintong medalya si Diaz sa 2022 World Weightlifting Championships sa Bogota, Colombia.

Pinuri ng Pangulo ang pagsusumikap ni Diaz upang magsilbing inspirasyon sa maraming Pilipino at makapag-uwi ng karangalan para sa Pilipinas.

Follow SMNI NEWS in Twitter