NILINAW ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nirerespeto at sinusunod pa rin ni PBBM ang One China Policy.
Paraan ng pagpapasalamat sa pagtanggap sa overseas Filipino workers (OFWs) na nagtatrabaho sa Taiwan.
Ito ang ibig sabihin ng mensahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ayon sa DFA matapos binati ng Chief Executive ang bagong halal na pangulo ng Taiwan na si Lai Ching-te sa kaniyang social media.
Kung sisilipin, sa datos ng DFA, nasa 200-K ang OFWs sa Taiwan at madalas na nagtatrabaho sa mga factory.
Kaugnay nito, nilinaw ng DFA na nirerespeto at sinusunod pa rin ni Pangulong Marcos ang One China Policy.
Ang One China Policy ay nangangahulugan na ang People’s Republic of China ang bukod-tanging lehitimong pamahalaan ng China at ang Taiwan ay bahagi ng nabanggit na bansa.
Noong Hunyo 1975 ay nagkaroon ng joint communique ang Pilipinas at China sa pangunguna ni dating Pangulong Ferdinand Edralin Marcos, Sr. at Premier Zhou Enlai hinggil sa One China Policy.