PM Kishida, hindi pa sigurado kung bibili ang Japan ng nuclear powered submarine

PM Kishida, hindi pa sigurado kung bibili ang Japan ng nuclear powered submarine

WALA pang desisyon si Prime Minister Fumio Kishida ukol sa posibleng pagbili ng nuclear powered submarine para palakasin ang defense capability ng bansa.

Ayon kay Kishida hindi pa siya sigurado kung magandang ideya ang pagkakaroon ng nuclear submarine sa bansa.

Ipinaliwanag ni Kishida ang mga problema sa paggamit ng nuclear power para sa militar sa ilalim ng atomic energy law ng bansa maging ang mataas na halaga ng running cost nito.

Pero sa kabila nito, sinabi ni Kishida na dapat ay palakasin ng bansa ang depensa kasabay  ng nangyayaring kaguluhan sa pagitan ng Russia at Ukraine

Samantala, sinuportahan naman ni Natsuo Yamaguchi, head ng junior coalition ng LDP ang pahayag ni Kishida at tinawag na hindi makatotohanan ang pagkakaroon ng nuclear powered submarine.

Maliban sa isyung ito nangako si Kishida na reresolbahin ang mataas na presyo ng langis at mga pagkain na nagresulta na sa pagbaba ng halaga ng yen.

Follow SMNI NEWS in Twitter