PBBM: Ph Gov’t, “no deal yet” sa US, ukol sa hirit na tanggapin ang Afghan refugees

PBBM: Ph Gov’t, “no deal yet” sa US, ukol sa hirit na tanggapin ang Afghan refugees

“NO deal yet” ang sagot ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. patungkol sa tanong kung pagbibigyan niya ang hirit ng Amerika na tanggapin ang Afghan refugees sa bansa.

Nilinaw ni Pangulong Marcos na hindi umabot sa isang kasunduan ang tungkol sa naturang isyu.

 “I was a little surprised when I saw some of the news reports, there is there’s a deal between the US, there is no deal. We are still looking exactly at how to make it work if we can.  It’s entirely possible that we will not find a way to make it happen,” pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Ginawa ni Pangulong Marcos ang pahayag sa isang media interview kasabay ng dinaluhang paglunsad ng Kanegosyo Center sa Parañaque City nitong Huwebes.

Binigyang diin ni Pangulong Marcos ang iba’t ibang isyu na dapat isaalang-alang sa hirit na tanggapin ang Afghan refugees gaya ng isyu sa seguridad, legalidad at iba pa.

 “So, but there are many, there are security issues. Of course we have to be conscious of that. But there are even more difficult legal and logistical issues,” dagdag ni Pangulong Marcos.

Bagama’t matagal na aniyang tradisyon ng Pilipinas ang pagkuha ng mga refugee tulad ng ginawa nito noong World War II, sinabi ni Pangulong Marcos na iba ang kaso ng mga Afghan national na involve dito.

“But we have a long tradition in the Philippines of taking in refugees although these are not refugees, they are an entirely different class of persons, they are Afghan nationals who are being resettled by the United States in the United States and or other places.”

“Kahit na sinasabi that the Americans pay for everything, who will handle all of that? The Filipino. There is even, anything. There is still quite a few issues that we have to hammer out with the Americans,” ayon pa sa Pangulo.

Sa ngayon, ani Pangulong Marcos, masusi pa rin aniyang pinag-aaralan ng gobyerno ang magiging epekto nito lalo na sa pamumuhay ng mga ordinaryong Pilipino.

Magugunitang personal na hiniling ni US President Joe Biden kay Pangulong Marcos sa gitna ng state visit ni PBBM sa Washington DC, na tanggapin ang Afghan refugees.

Samantala, una nang nagpahayag ng pagkabahala sa panukala ang ilang mga grupo at mambabatas kung saan maaari anilang maging banta sa pambansang seguridad ng bansa ang nasabing Afghan nationals.

Si Senator Imee Marcos, chairperson sa Senate Committee on Foreign Relations, ay kinuwestiyon kung bakit gusto ng gobyerno ng US na tumira ang mga Afghan sa Pilipinas sa halip na sa Amerika o mga bansang mas malapit sa Afghanistan.

Saad naman ni Senator Christopher “Bong” Go, kailangan aniyang maingat na balansehin ang makataong pagsasaalang-alang at mga implikasyon ng pambansang seguridad kaugnay ng hirit na ito ng Estados Unidos.

Sa pahayag naman ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa programang ‘Gikan sa Masa, Para sa Masa’ ng SMNI, sinabi nito na dapat ang Amerika ang unang mag-accommodate sa mga Afghan dahil sila rin aniya ang nagsimula ng gulo sa naturang bansa.

Dagdag ni Duterte, bilang makatao ay dapat tumulong ang Pilipinas, ngunit karapatan aniya ng bansa na maging maingat at malaman muna ang tunay na pagkatao ng bawat Afghan lalo pa’t nanaig ang extremism sa kanilang lugar.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter