MAGTATAYO ang Philippine Coast Guard (PCG) ng Regional Training Center sa General Santos City.
Ito ay matapos lagdaan ni PCG Deputy Commandant for Administration, CG Rear Admiral Ronnie Gil Gavan, at Auxiliary Rear Admiral Marfenio Tan ang isang deed of donation para sa paggamit ng PCG ng 10-ektaryang lupain kung saan itatayo ang nasabing imprastraktura.
Ang donasyong parsela ng lupa ay pagagandahin ang bagong tanggapan ng PCG District sa Southern Mindanao.
Ang seremonya ng pagpirma ay naganap sa Change of Command Ceremony ng PCG District sa Barangay Labangal, General Santos City.