ISINAPINAL na ng Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent ang kanilang demobilization plan sa Turkiye para sa huling operasyon bukas, Pebrero 24.
Ito ay matapos makumpleto ang 2 linggong misyon para tumulong sa mga nabiktima ng magnitude 7.8 na lindol.
Sa impormasyon ng Office of Civil Defense (OCD), naka-standby na lamang ang Urban Search and Rescue (USAR) team matapos masuri ang 36 na istruktura na napinsala ng lindol sa Adiyaman.
Habang patuloy ang Philippine Emergency Medical Assistance Team (PEMAT) sa pagbibigay ng atensyong medikal sa ilang residente sa lugar.
Nabatid na umabot na sa 750 indibidwal ang natulungan ng Philippine contingent matapos ang pagyanig sa Turkiye.