IPINAALALA ng Philippine Embassy sa Israel na tanging home-based Filipino caregivers at hotel workers lang ang pinapayagang magtrabaho doon ngayon.
Ibig sabihin, ang mga manggagawa para sa ibang sektor gaya ng konstruksyon, agrikultura, serbisyo at iba pa ay hindi muna maaaring kunin o ipadala sa kasalukuyan.
Kung sakaling payagan sa hinaharap na makapagtrabaho muli ang mga Pilipino sa ibang sektor ay ipinaalala rin ng embahada na tanging ang mga ahensyang may lisensya mula sa Department of Migrant Workers (DMW) lang ang awtorisadong mag-recruit.
Samantala, nananatili pang nasa alert level 2 ang Israel dahil sa Gaza war kung kaya’t nananatiling suspendido rin ang pagpapadala ng mga bagong manggagawa.
Follow SMNI News on Rumble