PH Embassy sa Israel nagbabala vs illegal recruiters

PH Embassy sa Israel nagbabala vs illegal recruiters

NAGPALABAS ng babala ang embahada ng Pilipinas sa Israel tungkol sa naglipanang illegal recruiters na nag-aalok ng trabaho.

Kasunod ito sa mga ulat na mayroong mga kompanyang nanghihikayat ng mga Pilipino sa Tel Aviv na magtrabaho sa ibang bansa gaya ng Estados Unidos, Canada, Australia, Europe, at iba pa.

Sa kanilang abiso, pinaalalahanan ng embahada na dapat aprubado muna ng Department of Migrant Workers (DMW) ang lahat na recruiters, recruitment agency at employment contract bago matanggap ang manggagawang Pilipino sa ibang bansa.

Anila, kapakanan ng mga Pilipino ang kanilang layuning maprotektahan lalo na maraming Pilipinong nagbabalak mangibang bansa.

Kaugnay rito, hinihikayat din nila ang mga Pilipino na huwag mag-atubiling i-report sa awtoridad ang mga illegal recruiter.

 

 

Follow SMNI NEWS on Twitter