PATULOY na umaapela ang Philippine Embassy sa Morocco sa Pilipino community matapos ang magnitude 6.8 na lindol na tumama sa Morocco.
Sa FB post ng Philippine Embassy in Morocco, wala pa silang natatanggap na ulat kung may apektadong Pilipino sa malakas na lindol.
Ngunit patuloy pa rin ang kanilang pagkuha ng updates sa mga lokal na awtoridad doon.
Nangyari ang lindol nitong gabi ng Biyernes kung saan umaabot na sa mahigit 2,000 katao ang nasawi.
Tinatayang aabot naman sa higit 2,000 mga Pilipino ang kasalukuyang nasa Morocco.
Pinapayuhan din ng Philippine Embassy ang mga Pilipino na maging alerto sa posibleng aftershocks at patuloy na mag-ingat.