NAIS ng Philippine Fujian General Business Association (PFGBA) na makapag-abot ng tulong at makapagbigay ng donasyon sa mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila na mangangailangan sa oras ng kalamidad.
Isa ito sa napag-usapan matapos nag-courtesy call ang ilang opisyal ng PFGBA sa pangunguna nina Cesar Go at Lian Sheng kay MMDA acting Chairman Atty. Don Artes.
Sa kanilang pagpupulong, napag-usapan din ang maayos na implementasyon ng single ticketing system (STS).
Ayon kay Artes, kinakailangan lamang paalalahanan ang publiko at mga motorista tungkol sa tamang disiplina sa kalsada.