NASA “Red” alert status ngayon ang Philippine Red Cross (PRC) dahil sa posibleng paglala ng sitwasyon bunsod ng pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon.
Kaugnay rito, nai-deploy na ng PRC ang nasa mahigit 100 volunteers, staff, assets, at iba’t ibang resources nito sa Negros Oriental upang magamit sa mabilisang paglikas sa mga residente.
Kasunod nito, binigyang-diin ni PRC Chairman at CEO Dick Gordon ang kahalagahan ng 4Ps: “Predict, Plan, Prepare, Practice” bilang bahagi ng kahandaan tuwing may sakuna.
Hunyo 3 alas sais ng gabi, araw ng Lunes nagsimulang mag-alburoto ang Bulkang Kanlaon ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).