PhilHealth, kayang tustusan ang mga benepisyo ng miyembro sa 2025—DOH

PhilHealth, kayang tustusan ang mga benepisyo ng miyembro sa 2025—DOH

NILINAW ni Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa na hindi nawalan ng budget para sa 2025 ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Aniya, nasa P284B ang aprubadong budget para sa PhilHealth sa susunod na taon.

Ang nawala aniya sa state insurer ay ang government subsidy.

Paliwanag pa ni Herbosa, sa alokasyon ng gobyerno para sa benepisyo sa PhilHealth noong 2024, 63 percent lang ang na-utilize ng state insurer.

Ibig sabihin, malaki pa ang surplus ng PhilHealth at kaya pa nitong tustusan ang mga benepisyo ng mga miyembro nito.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter