UMAPELA ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa mga naninirahan malapit sa Bulkang Kanlaon na iwasan ang anim na kilometrong permanent danger zone.
Ito’y dahil nananatiling nasa Alert Level 3 ang bulkan matapos ang sunod-sunod na mapanganib na pagsabog, pagbuga ng abo at mga lindol na may kaugnayan sa bulkan.
Nagbabala rin ang PHIVOLCS na patuloy ang banta sa mga kalapit na komunidad gaya ng biglaang pagsabog, pagbuga ng lava, pag-ulan ng abo, pyroclastic density currents, pagguho ng mga bato, at pagdaloy ng lahat lalo na kapag may malakas na ulan.
Matatandaang sa nakalipas na 24 oras ay iniulat ng PHIVOLCS na pumutok ang Bulkang Kanlaon at ito ay tumagal ng 56 minuto.
Maliban pa rito ay may naitala ring 15 volcanic earthquakes dito kabilang ang isang 18 minutong volcanic tremor.
Follow SMNI News on Rumble