Pilipinas, ika-sampu sa ranking ng mga bansa sa Asya na “vulnerable” sa climate change

Pilipinas, ika-sampu sa ranking ng mga bansa sa Asya na “vulnerable” sa climate change

IKA-sampu ang Pilipinas sa ranking mula sa 18 bansa sa Asya sa larangan ng vulnerability at preparedness sa climate change.

Batay ito sa Climate Finance in Asia Report ng Oxfam.

Ayon kay Oxfam Pilipinas Country Director Lot Felizco, sa kabila ng mga hakbang na ginagawa ng Pilipinas, nananatili itong vulnerable at hindi sapat ang kahandaan kung kaya’t tuwing may tumatama na kalamidad, malaki ang nagiging pinsala na dulot nito.

Batay naman sa Notre-Dame Global Adaptation Initiative Index noong 2020, ika-113 ang Pilipinas sa ranking mula sa 182 bansa.

Sa huling report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 121 na ang nasawi dahil sa Bagyong Paeng.

₱ 1,280,415,052 ang pinsalang hatid nito sa sektor ng agrikultura habang ₱ 896,857,401 naman sa imprastraktura.

Follow SMNI NEWS in Twitter