Pilipinas, dapat magkaroon na ng climate change map –Atty. Roque

Pilipinas, dapat magkaroon na ng climate change map –Atty. Roque

DAPAT magkaroon na ng map ang Pilipinas kung saan makikita rin ang mga lugar na lubos na apektado ng climate change.

Ayon kay Atty. Harry Roque, ito’y para malaman ng mga lokal na pamahalaan ang estado ng kanilang mga lugar.

Ang importante pa rito ay masunod din ang climate change map para sa kaligtasan ng lahat.

Magugunitang halos buong Pilipinas ang apektado ng Bagyong Paeng at madalas sa mga napinsala at nasawi ay mula sa Mindanao.

Sa ngayon ay 121 na ang kabuuang death toll dahil kay Paeng.

Follow SMNI NEWS in Twitter