NASA limampu’t isang paaralan ang exempted mula sa pagpapatupad ng 5-day face to face classes ayon sa Department of Education (DepEd).
Paglalahad ni DepEd NCR Director Wilfredo Cabral, 50 rito ay nagpatupad ng blended learning habang ang isa naman ay full distance.
Ani Cabral, pinagbibigyan ang mga paaralan na ginawa na ang lahat ng paraan ngunit hindi kakayanin na mag-full in-person classes.
Kabilang sa mga eskwelahan na exempted ang San Joaquin-Kalawaan High School sa Pasig City na may 6,000 enrollees ngunit may kakulangan sa silid-aralan.
Exempted din ang Batasan National High School sa Quezon City.
