KINUMPIRMA na ng Department of Foreign Affairs (DFA) na magpapadala ang Pilipinas ng 6-man team para sa search and rescue efforts sa Syria.
Ayon kay DFA Usec. Eduardo Jose de Vega, na ang 6-man team na pupunta sa area ay galing sa Damascus para magbigay ng anumang kailangan na tulong.
Hindi naman kinumpirma ni De Vega, kung kailan darating sa Syria ang nasabing team.
Una nang sinabi ng Office of Civil Defense (OCD) na magpapadala ang gobyerno ng relief supplies sa halip na rescue team.
