NAGPAHAYAG ng mariing pagtutol si dating Senadora Nikki Coseteng sa muling pag-arangkada ng militar ng Estados Unidos sa bansa sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).
Sa isang forum sa Quezon City, muling binalikan ni dating Sen. Nikki Coseteng ang resulta ng base militar ng Estados Unidos noon sa Pilipinas.
Anya bago napatalsik sa bansa ang military base ng Estados Unidos sa Subic, naging talamak ang prostitusyon, iligal na droga at iba pa.
Hindi anya nagdala ng pagganda sa ekonomiya sa lugar ang mga naturang military bases noon.
“To think we were told this is going to bring a lot of blessings, this is going to bring a lot of stability, this is gonna bring a lot of economic development etc. etc. What was the biggest economic development in Clark and in Subic in those days: 1 was prostitution, prostitution was a blooming business. Drugs, these were the booming businesses. It was not until the Philippines took a whole of Clark as we see it today and Subic as we see it today these places started to have respectable, sustainable economy,” saad ni dating Sen. Nikki Coseteng.
Ang hakbang anya patungkol sa EDCA ay posible lang magdala sa Pilipinas sa peligro.
“Those of us who remember the war, firsthand experience….Why are we going to allowed ourselves again to be a magnet for any kind of wars that are going to happen in the future,” ayon pa sa dating senadora.
Kamakailan lang ay napagkasunduan ng Pilipinas at Estados Unidos na dagdagan ng 4 ang kasalukuyan nilang EDCA sites sa Antonio Bautista Air Base (Palawan), Basa Air Base (Pampanga), Fort Magsaysay (Nueva Ecija), Lumbia Airport (Cagayan de Oro), at Benito Ebuen Air Base (Mactan, Cebu).
PBBM: Anything that we do will not be seen as provocative to anyone
Una nang inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na batid niya ang dumaraming nag-aalala sa paglawak ng presensya ng militar ng Estados Unidos sa bansa kaya’t kanyang titiyakin na hindi magpapataas sa tensyon sa kahit kanino man.
“It’s a valid concern. And it’s something that we have to pay attention to, that we do not be seen as… anything that we do will not be seen as provocative to anyone,” dagdag ng Pangulo.
DND Sec. Galvez: These EDCA sites should not be a cause for concern for anyone
Sinabi na rin dati ni Department of National Defense (DND) Secretary Carlito Galvez, Jr. na layunin ng karagdagang EDCA sites na mapaunlad ang ekonomiya at mapabuti ang seguridad ng bansa.
“I must stress that EDCA and its implementation, the Armed Forces of the Philippines (AFP) Modernization Program, or the PH-US alliance are directed to modernize our capabilities and collaboration to react to emergencies and protect our maritime and environmental interests. Thus, these EDCA sites should not be a cause for concern for anyone since it could also spur economic investments, joint protection, and preservation of our maritime and natural resources,” pahayag ni DND Secretary Carlito Galvez, Jr.
Para naman kay Prof. Ana Malindog Uy, isang political analyst at geopolitical expert, sa pagkakaroon ng EDCA sites dito sa bansa dahil gagamitin lang anya ng Amerika ang Pilipinas na kasangkapan sa kanilang sariling interes.
Dagdag pa nito na dapat huwag ituloy ang implementasyon ng 4 EDCA bases na nakaharap sa pinag-aagawang teritoryo dahil maaari itong pagsimulan ng gulo.
“We should say NO to the full implementation of EDCA, the four EDCA bases facing Taiwan and near the disputed South China Sea (SCS). We should say NO to the enhanced joint patrol in the West Philippine Sea (WPS) between the US and the Philippines, which is a recipe for disaster in the South China Sea, disrupting the peace and stability of Southeast Asia and the wider Asia Pacific Region,” wika ni Prof. Ana Malindog-Uy, political analyst at geopolitical expert.
Para naman kay Diane Sare, LaRouche Organization & Manhattan Project, dapat pag-isipan nang mabuti ng Pilipinas ang pakikipag-alyansa sa bansang Amerika upang hindi tayo matulad sa Ukraine.
“I would have to ask to the leader of the Philippines,” ani Diane Sare, LaRouche Organization & Manhattan Project.
Samantala, nagbigay ng kanyang pahayag si Pastor Apollo C. Quiboloy, sa gitna ng mainit na usapin ng karagdagang apat na EDCA sites sa bansa.
Sa kanyang programang Powerline nitong Martes, Pebrero 14, inihayag ni Pastor Apollo na mayroong maganda at hindi magandang epekto ang ginawang hakbang ng pamahalaan.
Kaugnay rito, binigyang-diin ng butihing Pastor na dapat pakinggan ang hinaing ng taumbayan na siyang nagbigay ng kapangyarihan sa Pangulo.
“Tingnan natin ang consensus ng bansang Pilipinas dito at idalangin natin tulad ng sinabi ko na ang lahat ng desisyon na gagawin ng ating mga pamunuan ay para sa ikagaganda at hindi ikapapahamak ng ating bansa. Kaya nandyan na sa kanilang mga kamay ‘yan. Binoto natin ang ating Pangulo para gumawa ng desisyon para sa atin. Only kailangan pakinggan ang gabay ng ating pamunuan, ng pamunuan ang ating mga kababayan na siyang nagbigay sa kanila ng kapangyarihan,” ayon kay Pastor Apollo C. Quiboloy.
Sa huli sinabi ng mga eksperto na kung mayroon mang hindi pagkakaintindihan ay dapat pag-usapan na lang ito kesa maglagay ng mga kagamitang pandigma sa mga isla ng bansa.