Pilipinas, mas nakabubuting maging neutral sa isyu ng US at China

Pilipinas, mas nakabubuting maging neutral sa isyu ng US at China

MAS nakabubuting maging neutral na lamang ang Pilipinas sa isyu ng China at Estados Unidos.

Ito ay ayon kay dating Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo kung talagang tatayuan ng bansa ang patakaran nitong “friends to all, enemy to none”.

Sinabi pa ni Atty. Panelo na maaring mapaikli ang kontrata at mapatanggal ang mga military bases sa bansa.

Talagang magnet attack aniya ang EDCA sites sakaling matutuloy ang labanan ng U.S. at ng kalaban nila.

Gayunpaman, sinabi ni Panelo na talagang makabebenipisyo sa ekonomiya ng mga lugar na tatayuan ng EDCA.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter