MAGBUNYI Pilipinas!
Ito’y bagamat si Suphatra Kliangprom ng Thailand ang nakasungkit ng 2022 Miss Tourism International Crown, may nakuha pa ring titulo ang bansa sa naganap na 2022 Miss Tourism International pageant.
Sa nasabing kompetisyon, nakuha ni Mutya ng Pilipinas Maria Angelica Pantaliano ang Miss Tourism Metropolitan International Crown!
Maliban pa rito, nakuha rin ni Pantaliano ang Miss Photogenic Award.
Nitong Nobyembre 25 sa Sarawak, Malaysia nang isinagawa ang coronation night.