PINURI ng United Nations (UN) ang katatagan ng Pilipinas sa kalamidad kaya itinuturing nila itong “model country” sa humanitarian aid.
Ito ang inihayag ni United Nations Resident Coordinator (UNRC) in the Philippines Gustavo Gonzalez sa pulong kay Defense Secretary Gilbert Teodoro sa Camp Aguinaldo, Quezon City.
Sa naturang pulong, nagkasundo ang dalawang opisyal na palakasin ang kanilang pagtutulungan sa humanitarian issues.
Kasabay nito, binati ni Gonzalez ang mahusay na sistema ng Pilipinas sa “disaster preparedness, response and recovery”.
Tiniyak naman ni Teodoro ang pagpapalakas sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) upang mabilis na makatugon sa pangangailangan ng publiko.