MULING bubuksan ng Pilipinas ang pag-export ng mga produktong pili nuts para sa 27 miyembro ng European Union (EU).
Ito ay matapos pumasa sa food and safety labeling requirements sa Malacañang ang dried pili nuts noong Marso 6.
Ayon sa Malakanyang, ang pagbubukas ng merkado ng EU ay makabebenipisyo sa lokal na pili producers at exporters kabilang na ang libu-libong pili farmers sa bansa.
Matatandaan na lokal sa Pilipinas ang pili, partikular na sa Bicol Region.
Kabilang sa mga pangunahing export markets ng Pilipinas sa pili ang Estados Unidos, United Kingdom, United Arab Emirates, at Canada.