Pilipinas, pinasalamatan ng alkalde ng Adiyaman, Turkiye

Pilipinas, pinasalamatan ng alkalde ng Adiyaman, Turkiye

NAGPAABOT ng pasasalamat ang mayor ng Adiyaman, Turkey sa Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent para sa pagtulong sa mga biktima ng magnitude 7.8 na lindol.

Batay ito sa pakikipag-usap ni Mayor Abdurrahman Dursun kay Ranny Magno, ang Urban Search and Rescue (USAR) Team Leader ng Philippine contingent.

Sa pamamagitan ng interpreter, ipinaabot ni Dursun ang pasasalamat kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at sa gobyerno ng Pilipinas para sa agarang pagpapadala ng tulong sa kanilang lugar.

Maliban dito, pinasalamatan din ng Turkiye ang Philippine Emergency Medical Assistance Team (PEMAT) ng Department of Health (DOH) na unang medical team na nakarating sa Adiyaman.

Nauna nang napag-alaman na ang Pilipinas ang kauna-unahang bansa na nagpadala ng medical team para sa mga biktima ng magnitude 7.8 na lindol sa Turkiye.

Sa ngayon, umabot na sa 115 ang mga biktima ng lindol na nabigyan ng atensyong medical ng Philippine contingent.

 

Follow SMNI NEWS in Instagram