Pinakamalaking waste-to-energy project, malapit nang matapos sa Dubai

Pinakamalaking waste-to-energy project, malapit nang matapos sa Dubai

MALAPIT nang matapos ang pinakamalaking waste to energy project sa Dubai.

Ang Dubai Waste Management Center (DWMC) ay kayang mag-proseso ng humigit kumulang 2 milyong toneladang waste products bawat taon na kayang magbigay ng kuryente sa 135 libong kabahayan.

Ang DWMC ay pinakamalaking waste to energy project sa mundo at 85 porsyento nang kumpleto.

Ang konstruksyon ng proyektong ito ay nagsimula taong 2021 na nakalinya sa vision ng Dubai Ruler na si Sheikh Mohammed Bin Rashid Al Maktoum.

Ito ang kauna-unahang pasilidad na kayang mag-convert ng 45 porsyento ng municipal waste sa renewable energy sakaling makumpleto.

Makatutulong din ito sa Dubai municipality na makuha ang target nito na bawasan at tuluyang i-divert ang basura mula sa landfills sa taong 2030.

Ang proyektong ito ay sumusuporta sa vision ng Dubai na gawing global model para sa sustainable development ang emirata at upang maging pinakamahusay na syudad ito para sa pamumuhay at pagtatrabaho.

Ang unang yugto ng energy project na ito ay magiging handa na sa taong 2023 habang ang kabuuang proyekto ay naka-iskedyul namang matapos sa taong 2024.

Follow SMNI NEWS in Twitter