UMAKYAT ng tatlong pwesto at kasalukuyang nasa ika-49 ang Pilipinas sa Global Anti-Red Tape Ranking para ngayong taon.
Ibinahagi ito ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) batay sa 2024 World Competitiveness Report ng International Institute for Management Development na ini-release noong Hunyo.
Dahil dito, sinabi ng ARTA na mas pagbubutihin pa nila ang pag-streamline at pag-digitalize ng government services.
Saklaw sa naturang rankings ang 67 na mga global economy.