NILINAW ngayon ng Korte Suprema na mayroong sariling kapangyarihan o otoridad sa paglalabas ng regulasyon ang Food and Drug Administration pagdating sa usapin ng health aspect sa tobacco products.
Ito ang desisyon ng Supreme Court En Banc at pinagtibay pa ang naunang desisyon nuong 2021 na nagbasura sa motions for reconsideration na inihain ng Philippine Tobacco Institute Incorporated at Representative Edcel Lagman.
Nakasaad sa Republic Act No. 9711, o sa Food and Drug Administration Act na may regulatory authority ang FDA sa lahat ng mga health products.
Nakapaloob din sa nasabing batas o implementing rules na responsable din sa pagregulate o pagkontrol sa mga tobacco products ang Department of Health, sa pamamagitan ng FDA.