BALIK na sa Pilipinas ang Pinay basketbolista na si Jack Danielle Animam.
Kasunod ito sa kaniyang basketball stint sa Serbia bago ang COVID-19 pandemic at pagkakaroon na rin niya ng anterior cruciate ligament injury.
Pagkatapos naman ng injury ay nagkaroon pa ng oportunidad si Animam para maglaro sa Women’s Pro League ng France.
Ngayong nagbalik si Animam sa bansa ay inamin ng Gilas Pilipinas Women na mas ‘confident’ na sila sa magiging performance ng kanilang koponan.
Halimbawa na dito ang kanilang laban sa nalalapit na 2023 FIBA Women’s Asia Cup sa June 26 hanggang July 2, 2023 sa Sydney, Australia.