Pinay designer Kirsten Regalado, napiling gagawa ng costume ng 3 Miss Universe candidate

NAPILING gumawa ng costume ng 3 kandidata sa 69th Miss Universe Pageant ang Pinay international fashion designer na si Kirsten Regalado.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kirsten (@kirstenregalado)

Si Kirsten na nakabase ngayon sa Miami, Florida, ang gagawa ng national costume, evening gown at dress ni Miss Mauritius Universe Vandana Jeetah.

Siya rin ang nagdisenyo ng national costume ng pambato ng Iceland na si Elísabet Snorradóttir at evening gown ng kandidata ng Armenia na si Monika Grigoryan.

Ayon Kirsten, very challenging ang paggawa ng intricate designs ng mga kandidata ngunit nagpapasalamat ito dahil halos buong pamilya na nito ang tumutulong upang makahabol sa pageant.

Queen Elizabeth, balik na sa kanyang royal duties

Samantala, balik na sa kanyang royal duties si Queen Elizabeth apat na araw mula nang pumanaw ang asawang si Prince Philip.

Sinabi ni Prince Andrew, makikita pa rin sa mukha ng reyna ang sobrang kalungkutan sa pagkawala ni Prince Philip lalo pa’t nasanay ito na kasa-kasama ang kaniyang asawa sa loob ng 69 na taon mula nang maging reyna ito.

Naniniwala naman ang mga aide at royal experts na sa kabila ng pagkawala ni Prince Philip at may kulang na sa buhay ng reyna, hindi pa rin nito bibitawan ang trono na magiging pabor sa kaniyang anak at tagapagmana na si Prince Charles.

Si Queen Elizabeth ang pinakamatanda at pinakahabang namumuhay na reyna sa buong mundo.

SMNI NEWS