PM Kishida, nagpasalamat kay N. Korean Leader Kim Jong Un sa pakikiramay sa biktima ng lindol

PM Kishida, nagpasalamat kay N. Korean Leader Kim Jong Un sa pakikiramay sa biktima ng lindol

NAGPASALAMAT si Japanese Prime Minister Fumio Kishida kay North Korean Leader Kim Jong Un na nagpadala ng kaniyang mensahe ng pakikiramay sa matinding lindol na tumama sa Central Japan noong New Year’s Day.

Bihira umano sa isang Japanese premier na makatanggap ng mensahe mula sa isang North Korean leader dahil ang dalawang bansa ay walang diplomatikong relasyon.

Ang Pyongyang ay naging kritikal din sa Tokyo kasabay ng pagpapalalim ng relasyon ng Japan, United States, at South Korea.

Ani Kishida, sa isang parliamentary session, nakatanggap aniya ang Japan ng mga mensahe mula sa iba’t ibang bansa at rehiyon, nagpapasalamat din ito maging sa mensahe ng simpatya mula kay North Korean Leader Kim Jong Un.

Matatandaan na noong unang mga araw ng buwan ng Enero, sinabi ni Chief Cabinet Secretary Yoshimasa Hayashi na walang anumang mensahe ng pakikisimpatya mula sa North Korean leaders na ipinaabot sa Japan.

Samantala, noong Biyernes, muling nilinaw ni Kishida na ang kaniyang gobyerno ay patuloy na magsisikap na resolbahin ang matagal nang isyu ng North Korea ukol sa pangingidnap sa mga Japanese noong 1970 hanggang 1980.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble