PM Kishida, tinanggal ang 4 na ministro kasunod ng fundraising scandal

PM Kishida, tinanggal ang 4 na ministro kasunod ng fundraising scandal

ANG approval rate ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida ay bumagsak sa 17.1 porsiyento sa buwan ng Disyembre, ito rin ang unang beses na nakatanggap ang kaniyang gabinete ng rating na mababa pa sa 20 porsiyento.

Ang pagtatanggal sa mga ministro ng kaniyang gabinete at party executive ay kasunod ng hangarin ni Kishida na linisan ang Liberal Party Democratic House.

Ang revamp sa gabinete ay kasunod din ng isinasagawang imbestigasyon ukol sa fundraising scandal na may kaugnayan sa pinakamakapangyarihang paksiyon sa Liberal Party.

Kabilang sa mga napilitang magbitiw sa puwesto ay isa sa malapit na kaalyado ni Kishida, ang Government Spokesman at Chief Cabinet Sec. na si Hirokazu Matsuno at humahawak ng isa sa pinakamapakapangyarihang posisyon sa gobyerno.

Kasama rin dito sina Internal Affairs Minister Junji Suzuki, Agriculture Minister Ichiro Miyashita, maging si Economy and Industry Minister Yasutoshi Nishimura.

Ang mga mambabatas sa ilalim ng grupo ni Kishida na may kaugnayan sa fundraising scandal ay nakatanggap umano ng 500-M yen ng hindi idineklarang political funds sa loob ng limang taon hanggang 2022.

Samantala, inaasahan namang lima pang ibang ministro ang tatanggalin sa susunod na mga araw.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter