NAHAHABOL ni Thai Prime Minister Prayut Chan-o-cha sa poll ang frontrunner na si Paetongtarn Shinawatra para sa pangunahing pinagpipilian bilang susunod na punong ministro ng bansa.
Nakita sa survey na si Prayut ang nangunguna sa survey sa kapital na Bangkok.
Ang newcomer sa pulitika na si Paetongtarn ay anak ng pinatalsik na punong ministro noon sa bansa na si Thaksin Shinawatra.
Lumabas na si Paetongtarn ay nakuha ang boto ng aabot sa 28% ng higit sa 1,500 respondents habang si Prayuth naman ay sumunod sa poll na mayroong 25%.
Ang eleksyon sa Thailand ay nakatakda sa Mayo kung saan inaasahan ang matinding labanan ng dalawang panig.
Matatandaan na si Prayut ang nanguna sa coup d’etat noong 2014 laban sa dating administrasyon ni Yingluck Shinawatra, ang tiyahin ni Patongtarn at naupo na sa kapangyarihan mula noon.